Ano ang Hoop?

Ang Hoop Messenger ay isang messaging app, na kasalukuyang magagamit sa Android at iOS na tumutuon sa bilis, seguridad, privacy, at kasayahan. Sa Hoop, maaari kang magpadala ng mga larawan, video, at mga dokumento sa mga kaibigan at mga mahal sa buhay. Pagdating sa seguridad, ang Hoop ay may patent pending na Vault, isang ligtas na lalagyan na protektado ng password, kung saan protektado ang mga pakikipag-chat sa ibang mga user ng Hoop. Pinapahintulutan ka rin ng Vault na magtago ng mga larawan, video, at dokumento kung nais mong panatilihin itong pansarili. Naka-encrypt ang lahat ng nilalaman sa loob ng Vault gamit ang mga AES 256 na key.

Ligtas ba ang Hoop?

Oo! Ang mga chat sa loob ng Vault ay naka-encrypt dulo-sa-dulo matapos ipakita sa iyo ang isang mensahe tungkol sa pagpapatunay ng encryption. Ang aming layunin ay gawin ang lahat ng mga pakikipag-chat na naka-encrypt dulo-sa-dulo sa madaling panahon.

Paano ako mag-imbita ng mga kaibigan?

  • Buksan ang Hoop Messenger
  • Pumunta sa Mga Contact
  • I-scroll pababa hanggang makita ang pangalan ng contact na gusto mong idagdag
  • Dapat makikita mo sa katabi ng pangalan ang pindutan para sa pag-imbita
  • I-click ang Imbitahan!
  • Makakatanggap ka ng abiso kapag ang iyong kaibigan ay sumali sa Hoop.

Paano ko idaragdag ang aking mga kaibigan kung wala ang kanilang numero?

Kung ang iyong kaibiganay mayroon nang Hoop ngunit wala sa iyong listahan ng contact, pumunta sa Mga Setting at i-click ang iyong profile (Pangalan Mo). Sa ilalim ng iyong profile, dapat makikita mo ang “User ID: #######”. I-click at i-hold ang numero hanggang sa mag-pop up ang “Kopyahin” o i-slide pakaliwa kung nasa iOS. Kopyahin ang link at ipadala ito sa iyong kaibigan. Sa sandaling i-click nila ang link, awtomatiko kang idaragdag ng Hoop sa kanilang listahan ng contact. Maaari mo ring idagdag ang kanilang numero sa iyong listahan ng contact sa iyong telepono.

Paano ko idadagdag ang email para gamitin ang Remote na Pag-aalis?

Maaari mong idagdag ang iyong email upang buhayin ang Remote Delete sa tindahan ng Hoop, sa sandaling idinagdag maaari mong ma-access ang aming website upang maalis ang remote na d mo

Paano gumagana ang Vault?

Ang Vault ay isang ligtas na lalagyan na nag-e-encrypt ng mga chat, larawan, dokumento, at video. Naka-encrypt ang Vault gamit ang mga AES256 key na nakamapa sa PBKDF2. Ang mga chat sa loob ng Vault ay naka-encrypt din ng dulo-sa-dulo. Ang hahat ng nilalaman ay naka-encrypt sa iyong telepono at sa cloud. Ang Vault ay nag-aalok din ng dalawang karagdagang mga setting ng password – Pekeng Password at Pagkawasak na Password at isang Pekeng Password. Ang Pekeng Password ay isang maling password na nagbubukas ng walang laman na Vault upang magpakita ng walang laman na vault. Ang pagkawasak na Password ay ginawa para tanggalin ang lahat ng nilalaman sa loob ng vault sa pamamagitan ng pagpapakita ng maling decrypting animation. Ang pamamaraan na ito ay dapat lamang gamitin kung, sa ilang kadahilanan, kailangan mong tanggalin ang lahat sa loob ng Vault. Para i-set up ang Peke o Pangkawasak na password pumunta sa Mga Setting, pagkatapos ay sa setting ng Vault, at pagkatapos ay magpatuloy sa pag-set up ng iyong mga password.

Paano ko mai-reset ang aking password sa Vault?

Maaari mong i-reset ang iyong password sa Vault sa pamamagitan ng pagpunta sa Mga Setting, pagkatapos ay mag-click sa mga setting ng Vault. May makikita kang isang kahon na nagpapahintulot sa iyo na i-reset ang iyong password sa Vault.
Mangyaring Tandaan: Ang pag-reset ng iyong password sa Vault ay hindi nagbibigay sa iyo ng access sa naka-encrypt na impormasyon. Ang pagre-reset ng password ay magbubura sa lahat ng iyong naka-encrypt na nilalaman sa loob ng Vault at sa Cloud.
Kaya PALAGING tandaan ang iyong password!

Mayroon pa akong tanong!

Mangyaring mag-email sa amin sa inquiries@hoopmessenger.com

Happy Hooping

Happy Hooping

Handa nang subukan ang Hoop?

LIBRE ito!

Kumuha ng hoop ngayon